Ang Pasko Ay Sumapit

ANG PASKO AY SUMAPIT
TAYO AY MANGAGSI-AWIT
NG MAGAGANDANG HIMIG
DAHIL SA DIYOS AY PAG-IBIG.
NANG SI KRISTO’Y ISILANG
MAY TATLONG HARING NAGSIDALAW
AT ANG BAWAT ISA AY NAGSIPAGHANDOG NG TANGING ALAY.

KORO
BAGONG TAON AY MAG-BAGONG BUHAY
NANG LUMIGAYA ANG ATING BAYAN;
TAYO’Y MAGSIKAP UPANG MAKAMTAN NATIN ANG KASAGANAAN.

TAYO’Y MANGAGSI-AWIT
HABANG ANG MUNDO’Y TAHIMIK
ANG ARAW AY SUMAPIT
NG SANGGOL NA DULOT NG LANGIT
TAYO AY MAGMAHALAN,
ATING SUNDIN ANG GINTONG-ARAL,
AT MAGBUHAT NGAYON
KAHIT HINDI PASKO AY MAG-BIGAYAN.