Magalak Ka, Magsaya Ka (FaithMusicManila)

INTRO/OUTRO
ISA LANG ANG DAPAT KONG GAWIN
SA ORAS NA ITO
KUN’DI ANG MAGSAYA SA PILING MO
WALA NA AKONG NINANAIS PA
SA BUHAY KONG ITO
KUN’DI ANG MAGALAK SA PRESENSIYA MO

VERSE 1
SA BAWAT ARAW NA DUMAAN
SA BUHAY NA ITO
TAGUMPAY MO ANG SIYANG GABAY
SA BAWAT KILOS KO
‘DI KA NAGBABAGO SA KATAPATAN MO
KAYA’T SARILI KO’Y UUTUSAN KO

CHORUS
MAGALAK KA. MAGSAYA KA
ITAAS ANG IYONG KAMAY AT IWAGAYWAY
MAGALAK KA. MAGSAYA KA
IPADYAK ANG ‘YONG MGA PAA
AT TAYO’Y MAGSAYAWAN NA
ISIGAW NATIN ANG KABUTIHAN NIYA
(O DIYOS PURIHIN KA !)

VERSE 2
AT KUNG MAY KALUNGKUTAN MAN
SA BUHAY NA ITO
HINDI ITO MAGTATAGAL SA KATAUHAN KO
‘PAGKAT SA PRESENSIYA MO’Y
MALULUSAW ITO
KAYA’T ANG PUSO KO’Y HUMIHIYAW