Tuloy Na Tuloy Pa rin Ang Pasko

I
O BAKIT KAYA TUWING PASKO AY DUMARATING NA
ANG BAWA’T ISA’Y PARA BANG NAMOMROBLEMA
HINDI MO ALAM ANG REGALONG IBIBIGAY
NGAYONG KAY HIRAP NA NITONG ATING BUHAY

II
MERON PA KAYANG CAROLING AT NOCHE BUENA
KUNG BAWAT ISA AY KAPOS AT WALA NANG PERA
NAKAKAHIYA KUNG MULING PAGTAGUAN MO
ANG ‘YONG MGA INAANAK SA ARAW NG PASKO.

KORO 1
NGUNIT KAHIT NA ANONG MANGYARI
ANG PAG- IBIG SANA AY MAGHARI
SAPAT NANG SI HESUS ANG KASAMA MO
TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO

III
MABUTI PA NGA ANG PASKO NOONG ISANG TAON
SA ATING HAPAG AY MAYROONG KESO DE BOLA’T HAMON
BAKA SA GIPIT, HAPPY NEW YEAR MAPO-POSTPONE
AT ANG HAMON AY MAUUWI SA BAGOONG
(ULITIN KORO 1)

KORO 2
NGUNIT KAHIT NA ANONG MANGYARI
ANG PAG- IBIG SANA AY MAGHARI
SAPAT NANG SI HESUS NASA PUSO MO
TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO
TULOY NA TULOY PA RIN… TULOY NA TULOY PA RIN…
TULOY NA TULOY PA RIN… TULOY NA TULOY PA RIN ANG
PASKO…