Paskong Walang Hanggan

I
ITINANONG MO SA AKIN KUNG ANO ANG GUSTO KO
UPANG MAPALIGAYA ANG AKING PASKO
BAKIT MO PA KAYA KAILANGANG SABIHIN SA AKIN YAN
PARA NAMANG KASING HINDI MO PA ALAM

II
ANG AKING ARAW-ARAW AY IYO NANG INIBA
MULA PA NOONG IKAW AY AKING NAKILALA
PINASAYAW ANG IKOT NG AKING MUNTING MUNDO
BINIGYAN NG DAHILAN ANG BAWAT ORAS AT MINUTO

KORO
ANG BAWAT KONG PANGARAP ‘YONG PINALITAN
BINIGYAN AKO NG LAKAS, TIYAGA AT TAPANG
NA HARAPIN ANG BAWAT TANONG AT PAG-A- ALIN – LANGAN
DA – HIL ALAM KONG IKAW AY KATABI KO LAMANG
AT SA T’WING PAGSIKAT AT PAGLUBOG NG ARAW
NAGSISIMULA’T NAGWAWAKAS SA SALITANG IKAW
KAYA’T HUWAG MO NANG ITANONG KUNG ANO PA SA AKIN AY KU – LANG
DAHIL BAWAT ARAW KASAMA KA AY PASKONG WALANG HANGGAN